AFP nakabantay sa 403 ‘areas of concern’ sa eleksiyon
MANILA, Philippines — Mahigpit na binabantayan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang 403 lungsod at munisipalidad na idineklarang ‘areas of concern’ ngayong halalan.
Sinabi AFP spokesman Col. Francel Margareth Padilla na sa 403 ‘areas of concern’ ay 188 ang nasa yellow category, 177 orange at 38 red.
Ang mga lugar na isinailalim sa yellow ay may kasaysayan ng election-related na karahasan, ang orange ay may seryosong armadong banta habang ang pula ay may seryosong banta ng karahasan at may mga insidente ng kaguluhan sa tuwing may halalan.
Binigyang diin ni Padilla na ang nasabing mga code sa 403 ‘areas of concern’ ang magsisilbing basehan sa deployment ng AFP troops.
Nasa 18,000 AFP personnel ang idedeploy para makatuwang ng PNP sa pangangalaga sa peace and order sa eleksiyon.
Nakaalerto ang AFP sa iba’t-ibang hamon sa seguridad mula sa lahat ng mga armadong grupo tulad ng New People’s Army (NPA), Private Armed Groups (PAGS), rido at iba pa.
- Latest