Palasyo dedma sa patutsada ni Duterte kay Marcos

MANILA, Philippines — Tikom ang bibig ng Palasyo sa mga bagong banat ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa ginanap na proclamation rally ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) sa Club Filipino sa San Juan City, tahasang inakusahan ni Duterte si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gumagamit ng illegal na droga.
Bukod dito, binanatan din ni Duterte ang mataas na presyo ng bigas na hindi na aniya kayang pababain ng gobyerno.
Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cesar Chavez, no comment ang Malakanyang sa lahat ng birada ni Duterte.
Una na rin binanatan ni Pangulong Marcos ang oposisyon at sinabi na tanging ang mga kandidato sa pagka-senador ng administrasyon ang walang bahid ng dugo sa tokhang, wala sa kanila ang nagbulsa sa sako-sakong pera galing sa pondo ng COVID-19 response, at wala rin sa kanila ang pumapalakpak habang inaabuso ng China ang mga Filipinong mangingisda sa West Philippine Sea at wala rin ang sumusuporta sa Philippine offshore Gaming Operator o POGO.
- Latest