Malakanyang tikom sa sibakan sa Gabinete

MANILA, Philippines — Tumanggi nang magkomento ang Malakanyang kung may iba pa ba na miyembro ng Gabinete ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang masisibak sa pwesto.
Sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na mas makakabuti pa na hindi na magkomento tungkol dito.
Matatandaan na kumalat ang balita na papalitan si Transportation Secretary Jaime Bautista ni incoming Secretary Vince Dizon at susunod na dito ay sina Department of Information and Commun ications Technology (DICT) Secretary Ivan Uy at Presidential Communications Office (PCO) Acting Secretary Cesar Chavez.
“Well, I do not know yet how true they are or if there is any basis. But usually, speculations are very, are always there,” pahayag ni Bersamin.
Giit pa ng Kalihim na hindi nila maaaring sabin ito maliban na lamang kung nangyari na dahil wala naman silang compelling reasons subalit hinog na aniya ang mga espekulasyon kaya hindi nila maaaring i-dignify ang speculations na ito.
Nauna na rin sinabi ni Chavez na magbabakasyon muna siya mula Pebrero 17 hanggang 21.
Kaya tatayo munang officer-in-charge ng PCO si Senior Undersecretary Emerald Ridao.
- Latest