Napoles, iba pa inabswelto sa P27.5 milyong ‘pork’ scam

MANILA, Philippines — Pinawalang sala ng Sandiganbayan sa kasong graft at malversation ang “pork barrel queen” na si Janet Napoles, dating Agusan del Sur congressman Rodolfo Plaza at iba pa kaugnay ng umano’y maling paggamit ng P27.5 milyong halaga ng Priority Development Assistance Fund (PDAF).
Ang kaso ay nag-ugat sa umano’y maanomalyang agricultural projects na inindorso ni Plaza sa Social Development Program for Farmers Foundation Inc. na naimplementa noong panahon ni Plaza noong taong 2008 at 2009 gamit ang kanyang pork barrel fund.
Sa 234-pahinang desisyon nitong February 5, napatunayan ng Sandiganbayan Second Division na bigo ang prosekusyon na patunayan ang alegasyon na nagkaroon ng sabwatan sina Plaza, Napoles at kapwa akusado na nagsagawa ng misallocation sa pondo.
Ayon sa Sandiganbayan na ang paglalabas ng PDAF allocations ni Plaza ay balido at naisagawa in good faith at legal noong panahong iyon.
Naipalabas ni Plaza ang kanyang PDAF para sa Social Development Program for Farmers Foundation Inc. (SDPFFI) at Masaganang Ani Para sa Magsasaka Foundation, Inc. (MAMFI) upang maipatupad ang proyekto para sa mga nabanggit.
- Latest