^

Bansa

Mga programa sa paglago ng ekonomiya ng Panay Island, suportado ni TOL

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Ipinahayag ni Senate Majority Leader Francis ‘TOL’ Tolentino ang kanyang buong suporta sa mga pangunahing programa ng gobyerno na naglalayong pabilisin ang pag-unlad ng ekonomiya sa Panay Island.

Sa press conference ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas senatorial candidates na ginanap sa Iloilo City, sinabi ni Tolentino na siya ay “all for the completion” ng 210-kilometer Iloilo-Capiz-Aklan Expressway (ICAEx).

Ang proyektong expressway ay daraan sa dalawang lungsod at 20 munisipalidad sa tatlong probinsya sa buong Panay Island, ito ay, Aklan, Capiz, at Iloilo.

Binanggit niya na isang mahalagang bahagi ng ICAEx ay ang Panay-Guimaras Bridge, na mag-uugnay sa Panay sa isla-probinsya ng Guimaras, na kilala sa world-class na produksyon ng mangga.

Bukod sa ICAEx, pinuri ni Tolentino ang pagbubukas ng Sunset Boulevard sa Iloilo City, na naglalayong mapabuti ang daloy ng trapiko at magbigay ng recreational space para sa mga Ilonggo.

“Bilang dating tagapangulo ng MMDA (Metro Manila Development Authority), alam ko ang kahalagahan ng urban renewal, transport infrastructure, at pagtugon sa trapiko para makamit ang mga layunin sa pag-unlad,” ayon kay Tolentino.

Si Tolentino ay reeleksyunista sa ilalim ng political party ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang Partido Federal ng Pilipinas (PFP).

FRANCIS TOLENTINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with