^

Bansa

Pasaring ni Pangulong Marcos sa ibang tumatakbong senador idinepensa ng ‘Alyansa’

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

ILOILO CITY — Hindi maituturing na negatibong pangangampanya ang naging pasaring ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ibang kandidato sa kanyang naging talumpati sa kickoff rally sa Laoag, Ilocos Norte, ayon sa senatoriables ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas’ (APBP)

Sinabi ni dating Senate President Tito Sotto III, hindi naman kandidato si Pangulong Marcos at ang kanyang mga sinabi ay bahagi lamang ng mga datos at kaalamang nakakarating sa kanyang panig.

Sinabi ni Sotto na wala itong kinalaman sa posisyon ng kanilang alyansa na hindi magsasagawa ng ‘negative campaigning.’

Ipinaalala pa niya na palagi namang kapag mayroon kang iniaangat na iba ay may tinatamaan.

Binigyang-diin naman ni ACT CIS Partylist Rep. Erwin Tulfo na ang Pangulo ay may sariling ideya at opinyon at hindi ito maiuugnay sa negative campaigning.

Iginiit din ni Tulfo na lahat sila ay nangangampanya batay sa kanilang mga credentials.

Iginiit naman ni dating DILG Secretary Benhur Abalos na dapat tignan ang naging pahayag ng Pangulo sa buong konteksto na nagsimula sa pagbibigay papuri sa kakayahan ng bawat isa at wala siyang nakikitang mali sa mga binitiwang salita ng pangulo.

Ipinaalala naman ni dating Senador Panfilo Lacson na may access ang Pangulo sa mahahalagang impormasyon at posibleng ang kanyang passion sa naging talumpati nito ay nagmula sa mga impormasyong ito.

Matatandaan na sinabi ni Marcos sa proclamation rally ng APBP sa Ilocos Norte wala sa mga kandidato ng administrasyon ang may bahid ng dugo dahil sa EJK, nagbulsa sa pera ng bayan at nagpanggap na propeta subalit nambibiktima ng mga bata at kababaihan.

Wala rin anya sa mga kandidato ng administrasyon ang pumapalakpak habang binobomba at inaabuso ng China ang mga Filipino na mangingisda sa West Philippine Sea.

FERDINAND MARCOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with