^

Bansa

Marcos bumanat sa oposisyon!

Malou Escudero, Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Marcos bumanat sa oposisyon!
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kick-off campaign ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas sa Laoag City, Ilocos Norte kahapon.
Noel B. Pabalate

MANILA, Philippines — Binanatan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga kandidato sa pagka-senador ng oposisyon sa unang araw ng kampanya ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas (APBP), na ginawa kahapon sa balwarte ng pamilya Marcos sa Ilocos Norte.

Sa proclamation rally ng APBP sa Ilocos Norte Centennial Arena ng Laoag, tahasang ipinagmalaki ng Pangulo na wala sa mga kandidato ng administrasyon ang may bahid ng dugo dahil sa EJK, nagbulsa sa pera ng bayan at nagpanggap na propeta subalit nambibiktima ng mga bata at kababaihan.

Wala rin anya sa mga kandidato ng administrasyon ang pumapalakpak habang binobomba at inaabuso ng China ang mga Filipino na mangingisda sa West Philippine Sea.

Matatandaan na si reelectionist Sen. Ronald dela Rosa ay dawit sa madugong anti drug war campaign habang nahaharap naman sa kasong sexual abuse ang senatorial candidate na si Pastor Apollo Quiboloy na parehong kandidato ng oposisyon.

Sinabi pa ni Pangulong Marcos na malawak ang karanasan ng mga kandidato ng administrasyon at hindi katulad ng iba na nautusan lang na bumili ng suka at nabigyan na ng certificate of candidacy.

“Babalik ba tayo sa nakaraan na ibinubugaw ang ating bayan bilang isang sugalan ng mga dayuhan? Nais ba nating bumalik sa landas na umaapaw sa dugo ng mga inosenteng mga bata na inagaw sa kanilang mga ina, kinuha sa kanilang mga tahanan, at inagaw ang kanilang kinabukasan?,” ayon sa Pangulo.

Ipinagmalaki pa ni Marcos na tanging ang admi­nistrasyon lamang ang may kumpletong senatorial slate at hindi katulad ng iba na nagmamakaawa na makabuo at makakuha ng kandidato.

Ayon naman kay ‘Alyansa’ campaign manager, Navotas City Rep. Toby Tiangco,, bawat kandidato sa ‘Alyansa’ ay may subok na track record at handang ipagpatuloy ang mga economic at legislative agenda ni Pangulong Bongbong.

Binubuo ang senatorial lineup ng koalisyon nina dating Interior Secretary Benhur Abalos, Makati City Mayor Abby Binay, Sen. Pia Cayetano, Sen. Imee Marcos, Sen. Lito Lapid, mga dating senador Panfilo Lacson at Manny Pacquiao, Sen. Ramon “Bong” Revilla, Jr., dating Senate President Vicente “Tito” Sotto III, Sen. Francis Tolentino, dating DSWD Secretary Erwin Tulfo at Deputy Speaker Camille Villar.

Bukod sa Ilocos Norte, maglulunsad din ng mga kickoff rally ang ‘Alyansa’ sa Iloilo City, Carmen sa Davao del Norte at sa Pasay City, na nagrerepresenta sa tatlong malalaking rehiyon sa bansa.

FERDINAND MARCOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with