50% Pinoy, kumpleto na listahan ng 12 ibobotong senador sa May 12

MANILA, Philippines — Nasa 50% umano ng mga botanteng Pinoy ang nakapili na o may napipisil ng 12 kandidato na kanilang iboboto sa May 12 midterm polls, ngayong nasa apat na buwan na lamang bago sumapit ang botohan.
Sa non-commissioned survey na idinaos ng Pulse Asia mula Enero 18-25, lumitaw na nasa ‘small to huge majorities’ sa Visayas (64%), Mindanao (72%) at Class (52%) ang mayroon nang complete slate para sa May 2025 senatorial elections.
Taliwas dito, nasa 1/3 pa lamang ng mga nasa Luzon (33%) ang nagpahayag na ng suporta para sa 12 kandidato sa pagka-senador (out of a maximum of 12).
Sa naturang ding survey, 14 kandidato sa pagka-senador ang may statistical chance na manalo sa halalan kung ang May 2025 polls ay idaraos sa panahon kung kailan isinagawa ang survey.
Ang 10 sa kanila ay nasa ilalim ng ‘Alyansa Para sa Bagong Pilipinas’ coalition, ng administrasyong Marcos.
Ang naturang survey ay nilahukan ng nasa 2,400 adults na nasa edad 18 taong gulang pataas, na isinailalim sa face-to-face interviews.
- Latest