^

Bansa

AI gagamitin sa weather forecast

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
AI gagamitin sa weather forecast
Artist's rendition of artificial intelligence.
Image by Gerd Altmann from Pixabay

MANILA, Philippines — Gagamit na ng AI ang PAGASA sa weather forecast.

Ito ang sinabi ni Department of Science and Technology (DOST) Secretary Renato Solidum kung saan makikipagsabayan na umano ang  PAGASA (Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Service Administration) sa ibang bansa para sa pagtaya ng panahon.

Sinabi ni Solidum, ­sinimulan na ng ­PAGASA Advanced ­Science Technology Institute at ng Aqua Incorporated, isang AI weather company mula sa Amerika, ang paggamit ng AI para sa mas mahabang pagtaya ng panahon mula limang araw hanggang 14 na araw.

Kasama sa ginagawa aniya ay ang pag-zoom in ng datos para sa mga lugar sa Pilipinas upang mas mapabuti ang pagtaya ng panahon.

“Iyong paggamit ng AI sa weather forcasting ay sinimulan na natin. Gusto nating mabigyan ng forecast na mas mahaba, from 5 days to 14 days,” ani Solidum.

Maglulunsad din ang DOST ng bagong programa na tatawa­ging Eleva8 Philippines, na layuning palakasin ang bansa sa paggamit ng artificial intelligence sa mga imprastraktura ng DOST at pagtatatag ng artificial intelligence hubs.

Gagamit din ang ­gobyerno ng AI sa iba’t ibang sektor tulad ng ­agrikultura, health ­sector, manufacturing at maging sa state universities sa bansa.

“Uunahin natin ang buong DOST system pero gagamitan natin ng analytics at AI. Ang tawag ko diyan ­Geospatial Analytics and Techno­logy Solutions Program. So after analytics, gagawa ka ng solusyon doon,” dagdag pa ni Solidum.

PAGASA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with