^

Bansa

Mga Pinoy sa Lebanon pinag-iingat sa lumolobong krimen

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinag-iingat ng Philippine Embassy sa Lebanon ang mga Pinoy doon laban sa tumataas na bilang ng kriminalidad sa naturang bansa.

“The Philippine Embassy in Lebanon informs all Filipino nationals residing in or intending to travel to Lebanon that local authorities have reported a surge in criminal activities across the country”, nakasaad sa advisory ng embahada.

Sa gitna nito patuloy naman aniya ang pagpapaigting ng Lebanese government sa pagpapatrulya, at pagdaragdag ng security personnel, heightened surveillance operations para masiguro ng kaligtasan ng publiko.

Limang paraan naman ang inirekomenda ng embassy para sa mga Filipino sa Lebanon kabilang dito ang pagiging mapagbantay sa kanilang paligid at iwasan ang mga lugar na mataas ang insidente ng kriminalidad, gayundin ang pagsunod sa lahat ng local laws at regulations, kabilang dito ang movement restrictions ng mga otoridad.

Pinapayuhan din na ingatan ang kanilang mga kagamitan at agad na ireport ang anumang kahina-hinalang aktibidad sa local authorities.

Hinikayat din ang mga Pinoy na makipag-ugna­yan sa Philippine embassy kung mayroon silang mga concerns o kailangang assistance sa pamamagitan ng embassy hotline 70858 at Migrant workers hotline 79100729.

LEBANON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with