^

Bansa

Internet access sa liblib na paaralan, itinulak

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —   Magiging prayoridad ang malalayong paaralan at mga kalapit na lugar nito sa panukalang Konektadong Pinoy Act - isang batas na layong mapabuti ang digital infrastructure at connectivity sa bansa - matapos pagtibayin ng Senado ang amyendang iminungkahi ni Sen. Francis "Tol" Tolentino.

Ang mungkahing pag-amyenda ni Tolentino sa panukalang batas na "dapat unahin ang mga lugar na malapit sa mga institusyong pang-edukasyon” ay tinanggap sa mga deliberasyon ng Senado. Sa pagsusulong na unahin ang malalayong lugar, binanggit ni Tolentino ang kaso ng Zamboanga Peninsula, na may pinakamababang proporsyon ng mga kabahayan na may internet access sa 28.5%. Samantala, sinabi niya na ang Eastern Visayas ang may pinakamababang median fixed download speed na 38.43 mbps. Binigyang-diin ni Tolentino na dapat magkaroon ng magandang internet access ang buong Pilipinas para sa mga estudyante, lalo na sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao kung saan napakababa ng internet speed.

"Ang layunin ay talagang bigyan ang mga mag-aaral ng naaangkop na mga tool at pahusayin ang digital literacy at pagyamanin at pagbutihin ang kalidad ng edukasyon na nagbibigay ng daan para sa mas maliwanag na hinaharap na aspirasyon," sabi niya.

INTERNET

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with