Pensioners, government employees iwas loan shark na
MANILA, Philippines — Pinapurihan ni House Committee on Labor and Employment Chairman Fidel Nograles ang bagong loan facility ng Land Bank of the Philippines (LBP) para sa mga pensioners at mga empleyado ng gobyerno na malaking tulong para makaiwas na ang mga ito na mabiktima sa loan sharks sa panahon ng emergency.
“Maganda po ang bagong loan program na ito upang may legal na malalapitan ang ating mga kawani ng pamahalaan at pensyonado sa halip na lumapit sa mga nagpapa-5-6,” pahayag ni Nograles.
Ginawa ni Nograles ang pahayag bilang reaksiyon sa inilunsad na PeER (Pension and Emergency Relief ) Loan Facility ng LandBank na nagpapalawig ng loan ng mga pensioners at gov’t employees mula P20,000 hanggang P100,000 na nasa 10% interest rate lang kada taon.
Pinuna ng solon na maraming mga empleyado ng gobyerno kabilang ang mga guro ang baon sa pagkakautang dahil pumapasok ang mga ito sa loan sharks.
“Bukod sa napakataas na interes, may panghihiya pa’ng ginagawa ang mga lender na ito dahil nagpapadala sila ng text sa mga kakilala ng napautangan nila para maningil,” anang solon na iginiit na sa pamamagitan ng bagong loan facility ng nasabing bangko ay maiiwasan na ang loan sharks.
- Latest