South Korean President Yoon Suk Yeol na-impeach
MANILA, Philippines — Sa pagdeklara ng Martial Law Dahil sa pagpapatupad ng panandaliang martial law noong Disyembre 3, na-impeach na si South Korean President Yoon Suk Yeol.
Ang hakbang na impeachment kay Yeol ay naganap matapos na umanib ang 12 miyembro ng partido nito sa opposition parties na kontrolado ang 192 seats sa 300-member national assembly, kung saan two thirds na boto ang kailangan.
Kabuang 204 mambabatas ang bumoto para ma-impeach ang presidente dahil umano sa insureksyon habang 85 naman ang hindi pabor at walong boto ang napawalang bisa.
Dahil sa impeachment kaya si Yoon ay suspendito na sa tanggapan habang sumasailalim naman sa deliberasyon ng Korea Constitutional Court ang nangyaring botohan.
Tumatayo naman bilang interim leader ng nasabing bansa si Prime Minister Han Duck-Soo at nangako na gagawin ang lahat para masiguro ang kakatagan matapos ang impeachment ni Yoon.
May 180 araw naman ang korte para desisyunan ang kapalaran ni Yoon.
- Latest