Sigaw ng mga taga-Marikina: Solid Marcy pa rin kami!

Mapa ng Marikina.

MANILA, Philippines — Nagpahayag ng todong suporta sa social media ang mga taga-Marikina kay Mayor Marcy Teodoro, kasabay ng panawagan sa kanya na ituloy lang ang laban para sa katotohanan at mga residente ng siyudad.

“Tuloy lang po ang laban. Kasama nyo kaming lahat sa anumang laban na inyong tatahakin nandito po kami para sa inyo,” wika ng isang residente.

“Laban lang po tayo Cong. Maan Teodoro at Mayor Marcy Teodoro andito kami para sa inyo,” komento ng isa pa.

Tiwala sila na hindi magtatagumpay ang mga perso­nalidad sa likod ng paninira kay Teodoro dahil subok na ang record nito sa paglilingkod sa mga taga-Marikina City.

Todo rin ang suporta ng Marikina City netizens kay Mayor Teodoro, patunay ng pagti-trending ng hashtag na #ISupportMayorMarcy sa social media.

Sa isang social media post, iginiit ni Marikina 1st District Rep. Maan Teodoro na hindi sila panghihinaan ng loob sa desisyon ng Commission on Elections 1st Division na i-disqualify ang alkalde at nangakong ipagpapatuloy ang pagtatrabaho para sa mga taga-Marikina.

“Tuloy ang trabaho. Tuloy ang laban,” wika ng mambabatas sa isang Facebook post.

Sinabi naman ni Mayor Teodoro na iaapela niya ang desisyon ng 1st Division na i-disqualify siya bilang kandidato sa pagka-kongresista ng Unang Distrito ng Marikina.

Tiniyak naman ng Comelec na kandidato pa rin si Mayor Teodoro bilang kongresista ng Unang Distrito ng Marikina hanggang walang pinal na desisyon sa kaso.

Mananatili rin ang pangalan ni Mayor Teodoro sa balota sa darating na halalan, ayon pa sa Comelec.

Show comments