Pangulong Marcos: Fake news nakamamatay
MANILA, Philippines — Nagbabala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nakamamatay ang pagpapakalat ng fake news sa gitna ng kalamidad.
Ang babala ay ginawa ng Pangulo kaugnay sa pagsabog ng Bulkang Kanlaon.
Sinabi ni Pangulong Marcos na malaki ang papel ng komunikasyon sa mga pnahon na may kalamidad.
Makakapagligtas aniya ang katotohanan habang ang fake news at nakakamatay.
Epektibo rin aniya ang disaster response kapag nakaangkla ito sa tamang impormasyon.
Dahil dito kaya patuloy rin aniya ang Phivolcs sa pagbibigay ng round the clock advisories sa lenguwaheng madaling maunawaan ng ating mga kababayan.
Tiniyak din ni Marcos na nakatutok ang gobyerno sa anumang epekto ng pagsabog ng Kanlaon.
“We will step up. We will level up. Any escalation in damages and destruction will be met with a stronger government response,” ayon pa kay Pangulong Marcos.
- Latest