^

Bansa

DOJ: Sanggol ng Pinay surrogates sa Cambodia, Filipino

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) na pawang Pinoy ang mga sanggol na isisilang ng mga Pinay surrogates na nahatulang mabilanggo sa Cambodia.

Ayon kay Justice Undersecretary Nicholas Felix Ty, bagamat surrogates lamang ang mga Pinay, kinikilala pa rin ng batas ng Pilipinas na mga Pinoy ang kanilang mga sanggol kaya’t marapat lamang silang mapauwi sa Pilipinas.

Paniniyak pa niya, nakikipag-ugnayan na sila sa Cambodian authorities hinggil sa magiging kapalaran ng mga sanggol.

“Ayon sa batas natin, maliwanag naman doon ‘no na kung sinong babae ang nagsilang ng bata, iyong babae ang nanay ng bata. Iyong babaeng iyon ang may filiation doon sa bata na iyon ‘no. Kaya para sa atin, sila ay mga Filipino at gusto nating mauwi sila dito sa Pilipinas,” sabi ni Ty.

Gayunman, nagpahayag ng pangamba si Ty sa magiging kapalaran ng mga sanggol.

Aniya, maaaring iba ang DNA ng sanggol sa Pinay dahil itinanim lamang ang mga ito sa kanilang sinapupunan.

Posible rin aniyang walang plano ang Pinay na palakihin ang mga ipinagbuntis na sanggol at ipagbili rin ang mga ito.

Matatandaang una nang tiniyak ni Ty na iuuwi nila sa Pilipinas ang mga sanggol sa sandaling maipanganak ng kanilang ina.

Base aniya sa natanggap nilang ulat ay isa na sa 13 Pinay surrogates ang nakapanganak na.

Pinag-aaralan na rin umano nila kung posibleng ipaampon sa ibang pamilya ang mga sanggol.

DEPARTMENT OF JUSTICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with