Bong Go sa Kamara: Itigil harassment, abuse of power!

MANILA, Philippines — Nanawagan si Senator Christopher “Bong” Go sa mga kongresista sa Kamara na itigil ang pangha-harass sa mga kinukuhang resource persons, gayundin ang pag-abuso sa paggamit ng kapangyarihang mag-contempt upang maging produktibo ang ginagawang pagsisiyasat “in aid of legislation”.

“Nakikiusap po ako sa ating mga kapwa mambabatas sa House of Representatives na hinay-hinay lang sa pagpapatupad ng contempt citation at igalang po ang karapatan ng mga resource persons. Natatakot na po ang mga resource persons dahil puro nako-contempt na po sila. Imbes na maging productive ang resulta, ay hindi na po, dahil sa takot. Tandaan natin na “in aid of legislation” naman po ito,” ang sabi ni Go.

Ginawa ni Go ang pahayag kasunod ng nangyaring insidente o tensyon sa compound ng Kamara nang tangkain ng House security na dalhin sa Correctional facility ang Chief of Staff ni VP Sara Duterte na si Atty. Zuleika Lopez na na-contempt sa pagdinig ng Kongreso kamakakailan.

Bilang isang mambabatas at mamamayang Pilipino, nakiusap si Go sa Kamara na itigil harassment sa pagsasabing ang kanilang ginagawang pagsisiyasat ay “in aid of legislation, not persecution!”

Show comments