‘CPP-NPA-NDF terror grooming’ tigilan — HOOCM

MANILA, Philippines — Umapela ang grupong Hands Off Our Children Movement sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) na tigilan na ang ‘terror grooming’ kasabay ng pagkondena sa pagre-recruit nito ng mga Filipinong kabataan para hubugin bilang mandirigma ng New People’s Army (NPA).

Kanilang tinuligsa ang pamamaraan ng NPA gaya ng Paaralang Jose Maria Sison (JMS) at mga iba pang pamamaraan o’ “educational” programs na itinuturo ang mga tinatawag na Espesyal na Kurso para sa Manggagawa (ESKUM Manggagawa) para makarecruit ng kasapi ang naghihi­ngalo ng  CPP-NPA. 

Anang grupo, ang mga programang ganito na pinangungunahan ng Defend Jobs Philippines, Kilusang Mayo Uno (KMU), Kabataan Partylist-NCR, League of Filipino Students-NCR, at Sining Bugkos, ang ginagamit para maka-recruit at nagsusulong ang kanilang agenda na labanan ang pamahalaan.

“Families like ours stand as a stark testament to how so-called ‘legal organizations’ covertly recruit young people. We have learned the hard way how these seemingly benign “education discussions” or “EDs” served as gateway for children toward estrangement from their families”,  Hands Off Our Children Movement.

Pinatotohanan din nila Louvaine Erika Espina, Arian Jane Ramos at Kate Raca, na sumuko na matapos ang ilan taon bilang NPA, ang  kanilang paghihirap habang sila ay hinuhubog bilang mandirigma ng NPA.

Show comments