^

Bansa

Pangulong Marcos: Mga Pinoy sa Lebanon, ilikas na!

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pangulong Marcos: Mga Pinoy sa Lebanon, ilikas na!
President Ferdinand Marcos Jr. on October 4, 2024.
STAR/ Noel Pabalate

MANILA, Philippines — Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paglilikas ng mga Filipino sa Lebanon “sa anumang paraan” habang naghahanda ang gobyerno sa pag-akyat ng tensyon sa pagitan ng Israeli Defense Force at militanteng grupo na Hezbollah.

Ang kautusan ay ginawa ng Pangulo sa isang “urgent” virtual conference kasama ang ilang miyembro ng gabinete sa sidelines ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit upang talakayin ang sitwasyon sa Gitnang Silangan.

“We are now going to evacuate our people by whatever means – by air, or by sea,” sinabi ni ­Pangulong Marcos sa virtual conference.

Giit pa ni Marcos kung sa anong paraan kailangang gawin ang paglilikas ay kailangan pang alamin dahil ito ay evolving situation kaya kailangang bantayan at gawin ang lahat ng ­paghahanda.

“Just make all the preparations so that malapit na lahat ng asset natin. Kung may barko tayong kukunin, nandiyan na malapit na sa Beirut na sandali lang basta’t the Embassy gives us the clearance and they say that our people­ can go, mailabas na kaagad natin so that hindi sila naghihintay ng matagal in danger areas,” ayon pa sa Presidente.

Ang direktiba ng ­Pangulo ay naganap ilang araw matapos ang higit sa 30 air raid ng mga eroplano ng Israel sa timog bahagi ng Lebanese capital.

Ayon sa datos mula sa Presidential Communications Office (PCO) noong Oktubre 8, nakatanggap na ang Philippine Embassy sa Beirut ng 1,721 aplikasyon para sa repatriation, kung saan 511 ang na-repatriate na at 171 ay handa na para sa repatriation.

““We’re ready, willing and able [to repatriate Filipinos] at any time. We’re just waiting for the diplomatic clearances of the ­expatriates to be processed out of Beirut,” sinabi pa ni Defense Secretary Gilberto Teodoro sa Pangulo.

Ang mga Pilipino na-repatriate mula sa Lebanon ay makakatanggap ng P150,000 tulong pinansyal mula sa gobyerno.

vuukle comment

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with