^

Bansa

P276 milyong ill-gotten wealth case ng Marcoses ibinasura ng Sandiganbayan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
P276 milyong ill-gotten wealth case ng Marcoses ibinasura ng Sandiganbayan
Ipinunto ng anti-graft court ang mahabang panahong pagkakaantala sa pagpupursige sa kaso sa panig ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) kung saan ang mga ‘defendants’ ay hindi na aniya mabibigyan ng patas na paglilitis lalo na at ang mga potensyal na testigo ay namatay na.
STAR/File

MANILA, Philippines — Matapos ang 37 taon, dinismis na ng Sandiganbayan ang P276 milyong wealth forfeiture case laban kina dating Unang Ginang Imelda Marcos at dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr..

Ipinunto ng anti-graft court ang mahabang panahong pagkakaantala sa pagpupursige sa kaso sa panig ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) kung saan ang mga ‘defendants’ ay hindi na aniya mabibigyan ng patas na paglilitis lalo na at ang mga potensyal na testigo ay namatay na.

Habang ang mga dokumento naman aniyang ebidensya ay hindi na matagpuan matapos na maba­lam ang kaso ng 37 taon simula ng ihain ito noong 1987.

“Considering that the extant living defendant is 95 years old, her ability to testify and recall the events has assuredly declined, as has her health,” ayon sa 2nd Division ng Sandiganbayan na ang tinutukoy ay si Imelda Marcos.

Samantalang sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., Sen. Imee Marcos at Irene Marcos-Araneta ay hindi naman makakatestigo sa kaso dahil mga bata pa ang mga ito ng diumano’y maganap ang illegal na transaksyon sa Pinugay Estate may 53 taon na ang nakalilipas.

Ang forfeiture case o pagsamsam sa kayamanan ng mga Marcos ay inihain ng PCGG noong Hulyo 21,1987 dahil illegal umano itong napasakamay ng mag-asawang Marcos sa panahon ng martial law.

Kabilang sa mga ari-arian ang lupa na kinatitirikan ng anim na condominium units sa California, dalawang lote at dalawang condo sa Baguio City, residential building sa Makati City at isang residential lot sa lungsod ng Maynila.

vuukle comment

SANDIGANBAYAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with