^

Bansa

Suspek sa textbook scam kinonek sa pagtakas ni Guo

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Suspek sa textbook scam kinonek sa pagtakas ni Guo
Mary Ann Maslog, who was tagged in the 1998 textbook scam and allegedly faked her death, is cited for contempt by the Senate for her contradicting statements on October 8, 2024
STAR/Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Nais paimbestigahan ni Senator Jinggoy Estrada ang posibleng kaugnayan ni Mary Ann Maslog, isa sa suspek sa 1998 textbook scam sa ginawang pagtakas sa bansa ni dismissed Bamban Mayor Alice Guo.

Ayon kay Estrada, mayroon siyang natanggap na impormasyon mula sa mapagkakatiwalaang source na may kaugnayan umano si Maslog sa pagtakas ni Guo.

“Pwede, kasi malapit si Mary Ann Maslog kay Mayor Calugay ‘di ba? Sabi niya close siya sa mayor ng Sual,” ani Estrada.

Si Sual, Pangasinan Mayor Liseldo “Dong” Calugay ang sinasabing romantic partner ni Guo bagaman kapwa itinanggi na ito ng dalawa.

Nasangkot si Maslog sa isyu ni Guo dahil ito ang kinuha ni Gen. Romeo Macapaz, officer in charge ng Philippine National Police’s Intelligence Group para tumulong na kumbinsihin si Guo na sumuko sa pulisya.

Sa pagdinig sa Senado kamakalawa iginiit ni Maslog na siya ang napili ng intelligence group dahil bukod sa kaibigan niya si Calugay, may “access” siya sa legal counsel ng na-dismiss na mayor ng Bamban na si Atty. Stephen David.

Naungkat din sa pagdinig ang kaso ni Maslog sa textbook scam at ang pamemeke sa kanyang “kamatayan.”

ALICE GUO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with