‘Paniniktik’ sa Pinas simula pa 2016 - Chinese spy

Dismissed Bamban mayor Alice Guo reacts to a documen- tary video from Al Jazeera about detained tycoon and self- confessed Chinese spy She Zhijiang during the House quad committee hearing on POGO operations yesterday.

MANILA, Philippines — Ibinunyag ng Chinese ‘spy’ na si She Zhijiang na taong 2016 pa nagsimula ang ‘paniniktik’ nila sa Pilipinas kung saan nakatrabaho niya si dating Bamban mayor Alice Guo.

Sa pahayag ni She sa Al Jazeera documentary, sinabi nito na nagkakaso siya sa China at pinaaresto sa kasong illegal gambling. Pinangakuan siya ng kanyang recruiter na ibabasura ang kanyang kaso kung tatanggapin ang ‘intelligence work’.

Dito na nagsimula ang kanilang paniniktik o epio­nage kasama si Guo para sa Ministry of State Security ng China na umano’y secret police agency ng communist party.

Sinegundahan din ni She ang imbestigasyon ng Senado na purong Chinese si Guo na ang ina ay si Lin Wen Yi.

Ani She, nakasaad din aniya sa record na si Guo Hua Ping ay tumira sa Fujian province na local address Communist Party ng China.

Dagdag pa ni She, sinira ng China ang kanilang buhay ni Guo. Dapat nang sabihin ni Guo ang totoo.

Si She ay kasaluku­yang nakapiit sa Thailand at naghain ng repatriation sa China.

Ayon naman kay Senate President Francis Escudero, desisyon na ng Departments of Justice (DOJ) at Foreign Affairs (DFA) kung makikipag-ugnayan sa Thailand authorities para mas maimbestigahan ang ibinunyag ni She laban sa dating alkalde ng Bamban.  Muli namang iginiit ni Guo na hindi nya kilala ang Chinese spy sa documentary.

“Hindi po ako spy. Totally po hindi ako spy. Hindi ako ang nasa picture at hindi rin po ako ang sinasabi niya,” mariing sagot ni Guo nang hingan ng komento ni House Quad Committee Overall Chair Rep. Robert Ace Barbers.

“Itong tao na nasa video po kanina, I’ll find a way para, hindi ko po alam kung papaano, pero I’ll talk to my lawyer specially the network, magdedemanda po ako,” dagdag niya.

Show comments