^

Bansa

Alice Guo, kinasuhan ng tax evasion ng BIR

Angie dela Cruz, Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Alice Guo, kinasuhan ng tax evasion ng BIR
Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Romeo Lumagui Jr. leads the filing of a tax evasion complaint against dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo before the Department of Justice (DOJ) on August 14, 2024
STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines — Sinampahan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ng kasong tax evasion sa Department of Justice (DOJ) si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at iba pang indibidwal kahapon.

Ayon sa BIR, nag-ugat ang kaso sa pag-amin ni Guo na isinalin niya ang kanyang shares sa Baofu Land Development Inc. sa isang Jack Uy.

Nadiskubre umano ng BIR na ang naturang pagsasalin ay walang capital gains tax (CGT) at documentary stamp tax (DST) returns.

Sinabi ni BIR Commissioner Romeo “Jun” Lumagui na si Guo ay sinampahan nila ng kaso matapos na mabigong magbayad ng P500,000 na buwis.

Paliwanag niya, “Binenta raw niya ang shares niya dito sa korporasyon na ito at nakita natin din na hindi bayad ang buwis patungkol dito sa pagta-transfer niya ng shares niya dito, kaya malinaw na malinaw na may kasong tax evasion sa transaksyon na ito.”

Bukod kay Guo, respondents din sa kaso sina Jack Uy, ang sinasabing pinagbentahan ni Guo ng shares at Rachelle Joan Carreon, corporate secretary ng Baofu Land Development Inc..

Sila ay nahaharap sa kasong paglabag sa Section 254 (attempt to evade or defeat tax), Section 255 (failure to file CGT and DST returns), at Section 25 (failure to file/supply certain information) sa ilalim ng National Internal Revenue Code.

Sakali umanong mapatunayang guilty sa naturang kaso, maaaring maharap ang mga respondents sa parusang pagkabilanggo.

vuukle comment

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with