^

Bansa

Guo, sinilbihan ng Comelec ng subpoena sa Bamban

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Guo, sinilbihan ng Comelec ng subpoena sa Bamban
Partikular na binisita ng mga kinatawan ng Comelec ang address na nakasaad sa certificate of candidacy (COC) ni Guo, gayundin ang kanyang tanggapan sa Bamban, upang isilbi ang subpoena, na bahagi ng preliminary investigation na isasagawa sa kanyang kaso.
COMELEC/Facebook page

MANILA, Philippines — Nagtungo kahapon ang mga kinatawan ng Commission on Elections (Comelec) sa Bamban, Tarlac upang isilbi ang isang subpoena sa sinibak na alkalde nito na si Alice Guo.

Ito ay may kaugnayan sa material misrepresentation complaint na inihain ng poll body laban sa kanya.

Partikular na binisita ng mga kinatawan ng Comelec ang address na nakasaad sa certificate of candidacy (COC) ni Guo, gayundin ang kanyang tanggapan sa Bamban, upang isilbi ang subpoena, na bahagi ng preliminary investigation na isasagawa sa kanyang kaso.

Gayunman, hindi nila natagpuan sa mga naturang lugar si Guo. Sa halip, isang tauhan nito ang nadatnan ng grupo sa kanyang farm na pumayag na hawakan ang dokumento, ngunit hindi ito pinirmahan.

Pormal namang tinanggap ng kalihim ng sinibak na alkalde ang subpoena at nangakong kaagad itong iaabot kay Guo sakaling magkita sila.

Gayunman, inihayag ng kalihim na matagal na silang walang komunikasyon kay Guo.

Sinabi ni Atty. Elmo Duque, Comelec Region III Assistant Regional Election Director, matapos ang natu­rang tatlong ulit na pagtatangka na isilbi ang dokumento kay Guo, ay ipagpapalagay nilang naimpormahan na siya hinggil sa kanyang kaso at nabigyan ng notipikasyon sa proseso, kahit pa hindi niya personal na natanggap ang subpoena.

Matatandaang inaprubahan na ng Comelec en banc ang rekomendasyon ng kanilang law department na ihain ang isang motu proprio complaint laban kay Guo bunsod ng material misrepresentation, matapos na lumitaw sa isinagawa nilang imbestigasyon na ang fingerprint nito ay kapareho ng fingerprint ng Chinese national na Guo Hua Ping. Ganito rin naman ang lumitaw sa pagsisiyasat ng National Bureau of Investigation (NBI).

vuukle comment

COMELEC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with