^

Bansa

Bong Go idineklarang adopted son ng Silvino Lobos, Northern Samar

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bumisita si Senador Christopher “Bong” Go sa liblib na bayan ng Silvino Lobos, Northern Samar, sa unang pagkakataon noong Martes, at nagdala ng iba’t ibang tulong sa 1,664 mahihirap na residente.

Sa kabila ng mga heograpikal na hamon sa pagpunta sa malayong lugar na ito, si Go ay malugod na tinanggap ng mga tao rito na nagtipon-tipon para sa pamamahagi ng ayuda sa Municipal Evacuation Center.

Bilang pagkilala sa kanyang suporta at pangako sa komunidad, pinarangalan ng lokal na pamahalaan si Go sa pamamagitan ng pagkakaloob sa kanya ng titulong “adopted son” ng Silvino Lobos.

Binibigyang-diin ng simbolikong ito ang malalim na ugnayang nabuo sa pagitan ng senador at ng mga residente ng liblib na bayan.

“Unang beses ko makarating dito at ramdam ko ang init ng inyong pagtanggap sakin. Maraming salamat sa inyong suporta,” sabi ni Go.

Sinamantala ng senador ang pagkakataon na purihin ang mga lokal na opisyal, kabilang sina Congressmen Paul Daza at Harris Christopher Ongchuan, Gobernador Edwin Marino Ongchuan, Vice Governor Clarence Datu, Mayor Leo “Totong” Jarito, at Vice Mayor Remedios Espina, bukod sa iba pa, sa kanilang pagbibigay prayoridad sa kapakanan ng mga nasasakupan.

“Nagpapasalamat ako sa mga lokal na pinuno sa kanilang walang sawang pagsisikap na unahin ang pangangailangan ng mga tao,” ani Go.

Kasabay nito, hinikayat niya ang mga residente na gamitin ang serbisyo ng Malasakit Centers, partikular ang nasa Northern Samar Provincial Hospital sa Catarman, na ang mga operasyon ay personal niyang sinuri noong araw na iyon.

Sa kasalukuyan, mayroon nang 166 Malasakit ­Centers na naitatag sa buong bansa. Pinuri niya ang ­paglulunsad ng 166th Malasakit Center sa Kalinga ­Provincial Hospital sa Tabuk City, Kalinga.

vuukle comment

BONG GO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with