^

Bansa

Lumang passport, ID ni Guo inilutang ni Gatchalian

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Lumang passport, ID ni Guo inilutang ni Gatchalian
Ayon kay Gatchalian, si Guo ay dumating sa bansa noong siya ay 13 taong gulang.
STAR/File

MANILA, Philippines — Inilutang ni Sen. Sherwin Gatchalian ang kopya ng isang lumang pasaporte at ID ng isang Guo Hua Ping na pumasok sa Pilipinas noong Enero 12, 2003 o 21 taon na ang nakakaraan na posible umanong si Bamban Mayor Alice Guo.

Ayon kay Gatchalian, si Guo ay dumating sa bansa noong siya ay 13 taong gulang.

“Alice Guo might be Guo Hua Ping who entered the Philippines on January 12, 2003 when she was 13 years old,” ani Gatchalian.

Ang totoo aniyang birthday ni Guo ay Agosto 31, 1990 base na rin sa mga dokumento na ibinigay ng Board of Investments mula sa pamilya Guo nang mag-aplay sila para sa Special Resident Visa (SIRV) at sa Bureau of Immigration.

Idinagdag ni Gatchalian na ang pangalan ng ina ni Guo na nakarehistro sa mga dokumento ay si Lin Wenyi.

Matataandaan na sa pagharap ni Guo sa Senado, pinanindigan nito na isang Filipina ang kanyang ina na nagngangalang Amelia Leal na dati umanong katulong ng kanyang ama.

Nauna nang sinabi ni Gatchalian na maaaring patunayan ng mga residente ng Valenzuela na nakakakilala kay Guo na si Lin Wen Yi ang alam nilang ina ng alkalde noong ang pamilya Guo ay nakatira pa sa lungsod.

Naging kontrobersyal si Guo matapos maugnay sa mga ilegal na gawain ng POGO sa bansa.

Naging kuwestyunable rin ang kanyang pagkatao dahil sa duda sa totoong citizenship at halos wala siyang maalala sa kanyang pagkabata maliban sa siya ay lumaki sa isang farm sa Tarlac.

vuukle comment

PASSPORT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with