'Lahar' posibleng umagos uli sa Negros Island buhat ng matinding ulan — Phivolcs

MANILA, Philippines — Nagbabala ang state volcanologists tungkol sa muling pag-agos ng "volcanic sediment flows" o lahar buhat ng mga tinatayang pag-ulan ngayon sa Negros Island, ito ilang araw matapos ang pagsabog ng Bulkang Kanlaon.
Ito ang ibinahagi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolca) ngayong Huwebes ngayong tinataya ng PAGASA ang ilang thunderstorms sa isla ngayong araw.
"These rains could generate lahars, muddy streamflows or muddy run-off in the above-mentioned and other rivers draining the southern Kanlaon edifice," ayon sa isang pahayag ng PAGASA kanina.
"Lahars can threaten communities along the middle and lower slopes with inundation, burial and wash out."
Miyerkules lang nang makitaan ng deposito ng lahar ang hindi bababa sa apat na waterways sa La Castellana, Canlaon City at ilang erya malapit sa Bulkang Kanlaon.
Kabilang na rito ang mga sumusunod:
- Tamburong Creek
- Intiguiwan River at upstreaam Baji-Baji Falls
- Padudusan Falls
- Binalbagan River
Una nang kumalat sa social media ang mga video at litrato ng mga nabanggit.
"The lahars were generally channel-confined, but flows along Tamburong Creek overflowed and dumped a few centimeters of deposit on a stretch of the main road in Biak-na-Bato, rendering this impassable to motorists," wika ng Phivolcs.
Payo ng mga dalubhasa ang maging mapagmatyag at handa ng mga komunidad lalo na sa paligid ng mga ilog na nagde-drain sa katimugan ng Kanlaon.
Inaabisuhan din sa ngayon ang mga naturang komunidad na patuloy bantayan ang lagay ng panahon at magsagawa ng karampatang aksyon kung saka-sakaling tamaan ng lahar.
Volcanic earthquakes tuloy pa rin
Naitala ng Phivolcs ang sumusunod sa nakaraang 24 oras sa paligid ng naturang bulkan:
- volcanic earthquakes: 27
- sulfur dioxide flux: 3464 tonelada / araw
- plume: 1500 metrong taas; malakas pagsingaw; napadpad sa hilagang-kanluran,timog-silangan at timog-kanluran
- ground deformation: pamamaga ng bulkan
Ipinaalalang uli ng state volcanologists na bawal pa rin ang pagpasok sa apat na kilometrong (4 km) radius permanent danger zone o PDZ at paglipad ng anumang aircraft malapit sa tuktok ng bulkan.
Babala pa ng Phivolcs, nariyan pa rin ang baanta ng mga biglaang pagputok ng steam o phreatic explosions lalo na't nasa Alert Level 2 pa rin ang Kanlaon.
Umabot na sa 2,400 residente ang naapektuhan ng pagsabog ng bulkan nitong Lunes, dahilan para mapalikas ang 1,669 katao ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council.
- Latest