^

Bansa

Patuloy na suporta sa mga biktima ng kalamidad, isinusulong ni Bong Go

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Personal na pinangunahan ni Senator Christopher “Bong” Go ang relief operation sa Pamplona, Cagayan para sa mga residenteng nagrerekober pa mula sa epekto ng Bagyong Egay.

Kasama ni Go sa pagbisita sa mga typhoon survivors sina Pamplona Mayor Digna Puzon Antonio at Vice Mayor Arnie Angelica Fernandez, Santa Praxedes Mayor Esterlina Aguinaldo, Sanchez Mira Mayor Abraham Bagasin, at Abulog Vice Mayor Jeff Vargas, at iba pa.

Isinagawa ang relief operation sa Pamplona Cultural and Sports Cen­ter noong Huwebes, Dis­yembre 7, kung saan kabuuang 961 pamilya mula sa Pamplona, Sanchez Mira, Sta. Praxedes at Claveria ang natulu­ngan.

Lahat sila ay tumang­gap ng grocery packs, meryenda, bitamina, kamiseta, maskara, at bola para sa basketball at volleyball mula sa senador. Mayroon ding mga piling indibidwal na tatanggap ng relo, sapatos, bisikleta, at mobile phone.

Samantala, sa pamamagitan ng inisya­tiba ni Go, pinalawig ng National Housing Authori­ty (NHA) ang mga kwalipikadong benepisyaryo ng emergency housing assistance upang tulungan silang magkabahay muli.

“Sinikap din natin na mabigyan sila ng National Housing Autho­rity ng ayuda pambili ng housing materials tulad ng pako, yero at iba pa upang maisaayos muli ang kanilang mga tirahan,” ani Go. “Itong EHAP program, isinulong ko ito noon at patuloy na sinusuportahang mapondohan ang programa ngayon upang mas marami pang mga biktima ng sakuna ang makapagpatayo ng maayos na bahay at makabangon muli mula sa trahedya.”

Nanawagan rin si Go para sa isang whole-of-nation approach sa pagtulong sa komunidad na apektado ng iba’t ibang krisis at kalamidad upang mas mabilis na makarekober at makapag-rebuild.

Pinasalamatan rin niya ang lahat ng taong nagtutulung-tulong upang mabigyan ng ayuda at suporta ang mga biktima ng mga kalamidad.

EGAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with