Apektadong Pinoy sa ‘giyera’ sa Israel hanapin! – Pangulong Marcos
MANILA, Philippines — Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na hanapin ang lahat ng Filipino sa Israel.
Ang kautusan ni Marcos ay matapos ang airstrikes na ginawa ng teroristang grupo na Hamas sa Gaza strip.
Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil patuloy na nakikipag-ugnayan ang Philippine Embassy sa Tel Aviv at sa Migrant Workers Office (MWO) sa Israel para masiguro ang kaligtasan ng mga Pinoy na naapektuhan ng kaguluhan sa naturang bansa.
“The government is closely coordinating with the Philippine Embassy in Tel Aviv and the Migrant Workers Office (MWO) in Israel to ensure the safety and welfare of Filipinos affected in the ongoing conflict,” ayon pa kay Garafil.
Sa pahayag naman ni Department of Foreign (DFA) Undersecretary for Migrant Affairs Eduardo Jose de Vega, sa kasalukuyan ay wala pang naiulat na nasawi o nasugatan sa mga Filipino at nasa maayos silang kalagayan.
“They are in touch with the Filipinos, so far… wala pang balitang casualties,” lahad ni De Vega.
Mayroon umanong halos 30,000 Pinoy sa Israel na karamihan ay kasambahay at caregiver at marami sa kanila ay nasa Tel Aviv, Haifa mga 70 km ang layo sa Gaza Strip.
NIlinaw pa ni De Vega na ang naturang lugar ay hindi mismong nilusob ng mga terorista subalit tumatama ng konti dito ang missile kaya patuloy ang kanilng pagmomonitor.
Lahat din umano ng mga Filipino doon ay nag-aalala subalit patuloy na sumusunod sa patakaran ng Israeli government at Pilipinas at nananatili rin silang stay at home kung saan malapit sila sa bomb shelter kung saan lahat ng gusali sa nasabing bansa ay mayroon nito.
Nagbukas na rin ang DMW ng hotline at mga viber at whatsapp hotline numbers na tatanggap ng tawag at tanong mula sa OFWs at Pinoy community na nangangailangan ng tulong mula sa gobyerno.
- Latest