^

Bansa

Suspek sa Degamo killing tino-torture, sinusuhulan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Suspek sa Degamo killing tino-torture, sinusuhulan
This undated photo shows one of the suspects in the killing of Negros Oriental Governor Roel Degamo and eight others is escorted by police prior to the filing of charges for multiple murder, multiple frustrated murder and illegal possession of firearms and explosives against them.
Romeo Marantal

MANILA, Philippines — Nagpahayag ng pagkabahala si Atty. Ferdinand Topacio, lead counsel ni Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves, Jr. sa umano’y pagto-torture at panunuhol ng ilang matataas na opisyal ng Department of Justice (DOJ) sa suspek na si Marvin Miranda upang mapaamin umano at iturong utak ang kongresista sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo.

Ayon kay Topacio, si Miranda na ngayon ay nakakulong sa National Bureau of Investigation (NBI), ang natitirang suspek na hawak ng DoJ na tumatangging magbigay ng salaysay tungkol sa krimen, sa kabila ng dinaranas nitong torture at pagbabanta sa buhay. Nangangamba si Topacio sa mga imbento at gawa-gawang ebidensiya upang maidiin si Teves.

Nauna na ring inireklamo ng mga kaanak ni Miranda ang umano’y pag-torture dito sa loob ng piitan upang paaminin at gumawa ng affidavit na magdidiin kay Teves sa krimen.

“Desperado na ba ang DoJ matapos ang recantation ng mga suspek at wala sila ngayon na maipakikitang ebidensya (laban kay Teves),” tanong ni Topacio.

Sa pagbawi sa naunang salaysay, sinabi ng 10 suspek na napilitan sila na umamin na sangkot sa pagpatay kay Degamo dahil sa hindi na makayanan ang pagpapahirap at pisikal na pananakit sa kanila.

Ayon kay Topacio, kailangang mapaamin si Miranda at ituro si Teves dahil wala nang maihaharap na ebidensiya ang DoJ laban sa kongresista.

“Last card, huling baraha na nila si Miranda. Kaya gagawin nila ang lahat, kung kailangang mag-alok ng sampu-sampu at milyon-milyong (pisong ) suhol, gagawin nila,” sabi ni Topacio.

Kung kailangang mag-imbento ng gawa-gawang ebidensiya, posibleng gawin nila ito upang maidiin si Teves, pangamba ni Topacio.

vuukle comment

ROEL DEGAMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with