^

Bansa

Earth Hour, kasado ngayon

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nanawagan ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa sambayanang Pilipino na makiisa sa gagawing “Earth Hour” ngayong Sabado, March 25 bilang suporta sa global efforts para protektahan ang mundo at labanan ang climate change.

Ayon sa DENR, suportado nila kasama ng kanilang regional at field offices, bureaus at attached agencies nationwide ang pagpatay sa ilaw mula alas-8:30 ng gabi ngayong Sabado hanggang alas-9:30 ng gabi para sa aktibidad ngayong taon na may temang “The Biggest Hour for the Earth.”

Ang inisyatibo ng World Wildlife Fund (WWF), Earth Hour ay isang global movement na taunang ginagawa, humihimok sa indibidwal, komunidad at mga negosyo na patayin ang non-essential electrical lights ng isang araw, ngayong araw bilang simbolo ng commitment  para sa mundo.

Ang isang oras na “lights off” action ay may tulong na mabawasan ang gastos sa kuryente at nakakatulong na mabawasan ang carbon emission at nakalalasong  greenhouse gases (GHG)  na ang major source  ay elektrisidad.

May nakalinya ring  Earth Hour activities ang ibang rehiyon ng DENR tulad ng pag-post ng infographics ng aktibidad, pakikiisa ng mga high schools, universities at colleges at mga tao na magpalitrato habang nakikiisa sa Earth Hour at ipo-post ito sa regional Facebook pages ng DENR  na may maikling description ng kanilang karanasan.

Nanawagan din ang DENR sa mga Pilipino na suportahan ang imbitasyon ng WWF na bigyan ng panahon ang Earth Hour at magbuhos ng 60 minuto bilang bahagi ng pagpapalawak ng kaalaman hinggil sa climate crisis.

vuukle comment

DENR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with