Mga suspek sa Salilig hazing, pinasasailalim sa BI watchlist

Members of the Biñan Police Special Weapons and Tactics escort the alleged master initiator of Tau Gamma Phi to the Department of Justice for inquest on March 4, 2023.
Photos by Ernie Penaredondo/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Nakikipag-ugnayan na ang Philippine National Police (PNP) sa Department of Justice (DOJ) upang isailalim sa immigration lookout bulletin ang mga suspect sa pagkamatay ng hazing victim na si John Matthew Salilig ng Adamson University.

Ayon kay PNP chief Gen. Rodolfo Azurin, Jr. kailangan na maalerto ang Bureau of Immigration upang mapigilang makalabas ng bansa ang mga suspek upang takasan ang kanilang kaso.

“We also coordinated already with the DOJ to put on the watch list itong mga suspects na ito so that at least Immigration will be alerted just in case these people try to flee outside our country,” ani Azurin.

Sa ngayon aniya, pito sa 15 suspek sa pagkamatay ni Salilig ang nasa kustodiya na ng pulisya.

Tiniyak ni Azurin na tinututukan ng kanyang mga tauhan ang kaso upang unti-unti nang makuha ang mga suspek.

Pebrero 28 nang matagpuan ang bangkay ni Salilig sa Imus, Cavite. Isang linggo itong naiulat na nawawala.

Si Salilig na isang chemical engineering student ay sumailalim sa welcoming rites ng Tau Gamma Phi Fraternity Biñan Chapter kung saan batay sa record tumanggap ito ng 70 palo sa katawan.

Show comments