^

Bansa

Magnitude 5.1 na lindol tumama malapit sa Surigao del Norte — Phivolcs

Philstar.com
Magnitude 5.1 na lindol tumama malapit sa Surigao del Norte — Phivolcs
Satellite image ng Socorro, Surigao del Norte mula sa kalawakan
Google Maps

MANILA, Philippines — Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol sa bandang Mindanao ngayong hapon, ito ilang linggo pa lang matapos ang malagim na earthquake sa Abra na pumatay sa ilan at nakasugat sa pagkarami-rami.

Bandang 5:35 p.m., Miyerkules, nang mangyari ang lindol sa epicenter na 2 kilometro timogkanluran ng Socorro, Surigao del Norte.

Sinasabing "tectonic" ang pinanggalingan ng earthquake. Wala pa naman gaanong detalye pagdating sa intensities ng pagyanig.

Wala pa namang inaasahang pinsala at aftershocks mula sa naturang pagyugyog ng lupa at wala pa ring banta ng tsunami.

Lunes lang nang tumama ang isa pang malakas-lakas na magnitude 5.5 na lindol 5 kilometro timogkanluran ng Magsaysay, Davao del Sur. Inaasahan ang pinsala at aftershocks mula rito. — James Relativo

EARTHQUAKE

SOCORRO

SURIGAO DEL SUR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with