Authorization ng DFNN binabawi ng Pitmaster

MANILA, Philippines — Binabawi na ng Lucky 8 Starquest ng Pitmaster Live ang authorization para sa kumpanyang Diversified Financial Network Inc. (DFNN), na pag-aari ni Raymond Garcia, na kumuha o tumanggap ng mga taya mula sa sabong online.

“Lucky 8 Starquest Inc. decided not to pursue the said venture anymore in order to honor its undertakings with the local government units,”  ayon sa official statement ng kumpanya.

“And in order to avoid possible conflict of interest, Lucky 8 Starquest Inc., shall continue to fully operate on its own e-sabong online platform pursuant to its license with PAGCOR,” pahabol na pahayag ng Lucky 8.

Paliwanag ng Pitmaster Live na may-ari ng Lucky 8 Starquest license, tila hindi raw naintindihan ng DFNN ang kanilang usapan.

“Tanging online bingo at iba pang games online pero hindi kasama ang e-sabong ang napagkasunduan ng dalawang kampo na mag-joint venture,” ayon pa sa Pitmaster.

Nauna ng binigyan ng license to operate ng PAGCOR ang Lucky 8 Starquest ni Atong Ang at Belvedere Inc. naman ni Bong Pineda para makapagpalabas ng sabong online sa buong bansa.

Show comments