Pagpapabuti sa sewerage system sa Muntinlupa, inaasahan

MANILA, Philippines — Inaasahan na ang higit pang pagbuti ng sewerage system sa Muntinlupa.

Ito ayon sa Maynilad Water ay dahil sa pagbabalik konstruksyon ng P1 bilyon sewerage treatment plant (STP) sa Brgy. Cupang, Muntinlupa City mula nang ipatupad ang general community quarantine sa Metro Manila.

Ang STP na tinawag sa Cupang Water Reclamation­ Facility, ay bahagi ng Maynilad’s long-term plan para mapalawak pa ang sewerage coverage ng kanilang concession area at matulungang maibsan ang polusyon sa  Manila Bay.

Kapag nakumpleto na ang proyektong ito ngayong December 2020, mabebenepisyuhan nito ang may 281,000 residente ng  Muntinlupa.

“With the easing of the enhanced community qua­rantine restrictions, we have hit the ground running and resumed construction works on our major capital expenditure projects, including this new facility in Cupang that will enable us to meet our long-term sewerage commitments,” pahayag ni Maynilad President and CEO Ramoncito S. Fernandez.

Mula sa dalawa lamang na operational STPs noong 1997 nang maisapribado ang MWSS operations, ang Maynilad ay mayroon na ngayong 22 wastewater treat­ment facilities na may combined treatment capacity na 662,000 cubic meters ng wastewater kada araw.

Show comments