AFP handa na sa mala-martial law na ECQ

Ito ang nihayag ni AFP spokesman BGen. Edgard Arevalo matapos na kumalat ang memorandum na mula sa Philippine Air Force (PAF) kaugnay sa paghahanda ng buong puwersa nito upang italaga at tumulong para sa mahigpit na pagpapatupad ng ECQ.
Michael Varcas/ File

MANILA, Philippines — Handa na ang Armed Forces of the Philippine (AFP) para sa posib­leng pagpapatupad ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte ng mala-martial law na Enhanced Community Quarantine.

Ito ang nihayag ni AFP spokesman BGen. Edgard Arevalo matapos na kumalat ang memorandum na mula sa Philippine Air Force (PAF) kaugnay sa paghahanda ng buong puwersa nito upang italaga at tumulong para sa mahigpit na pagpapatupad ng ECQ.

Ayon kay Arevalo, layon ng memo na magbigay ng advance information para bigyan ng guidance ang lahat ng mga elemento ng PAF.

Una nang ipinahayag ng Pangulo na may posibilidad ang pagtatalaga at pag-control ng AFP at PNP na mistulang martial law kung magpapatuloy ang kawalan ng disiplina, kaayusan sa ipinapatupad ng ECQ sa kabila ng panawagan ng pamahalaan upang labanan ang pagkalat ng COVID-19.

“Sa ngayon wala pa namang utos ang Pa­ngulo na magdeploy na. But it is incumbent and customary on the part of the leadership of the Philippine Air Force, and the AFP under Ge­neral Felimon Santos Jr., for that matter, to exercise its initiative of alerting and preparing our personnel including ROE,” ani Arevalo.

Bago pa man ang pagbabanta ng Pa­ngulo, sinabi ni Arevalo na mayroon ng ilang local exe­cutives ang humingi ng tulong sa AFP upang tumulong sa pagpapatupad ng ECQ.

Naniniwala naman si Arevalo na walang dapat na ikaalarma o ikabahala ang publiko dahil ito ay isang hakbang ng paghahanda ng AFP sakaling kailanganin ang deployment ng mga personnel.

Binigyaan diin ni Arevalo na ang dapat na ikabahala ay ang patuloy na paglabag ng mga tao sa mga itinatakdang alintuntunin at health protocols na dapat umanong mahigpit na ipinatutupad para sa kaligtasan ng buong komunidad.

Show comments