Trillanes nagpiyansa sa kasong 'conspiracy to commit sedition'

Nakatakdang ihain ni Trillanes ang kanyang piyansa ngayong araw kaugnay ng reklamong "conspiracy to commit sedition" dahil sa mga diumano'y plano para patalsikin sa pwesto si Duterte sa pamamagitan ng pagtatanim ng galit sa mga tao.
The STAR/Geremy Pintolo, File

MANILA, Philippines (Update 2, 12:35 p.m.) — Nakapagpiyansa na si dating Sen. Antonio Trillanes IV matapos kaugnay ng hinaharap na reklamo dahil sa lumabas na "Ang Totoong Narcolist" video series na nagdidikit kina Pangulong Rodrigo Duterte, kanyang pamilya at kanyang mga kaalyado sa kalakalan ng droga.

Ang piyansa ay para sa kasong "conspiracy to commit sedition" sa mga diumano'y planong pagpapatalsik sa pwesto kay Duterte sa pamamagitan ng pagtatanim ng galit sa mga tao.

Martes ng umaga nang lumapag ng Ninoy Aquino International Airport si Trillanes mula sa Estados Unidos dahil sa ilang engagements. 

Nakatakdang ihain ni Trillanes ang kanyang piyansa ngayong araw kaugnay ng reklamong "conspiracy to commit sedition" dahil sa mga diumano'y plano para patalsikin sa pwesto si Duterte sa pamamagitan ng pagtatanim ng galit sa mga tao.

Una nang sinabi ni Trillanes na hindi niya tatakasan ang kaso kahit na nasa ibang bansa siya.

"

[P

]lano kong maghain ng piyansa pagbalik ng Maynila sa susunod na linggo. Haharapin ko ang kasong ito katulad nang pagharap ko sa iba pang inihaing kaso ng mga alipores ni [Pangulong Rodrigo] Duterte," sabi niya sa Inggles.

Biyernes

nang

ibalitang

naglabas

ng warrant of arrest

laban

kay Trillanes at 10

iba pa

kaugnay

ng

nasabing

kaso.

Una

nang

nakapagpiyansa

sa 10

akusado

sina Fr. Albert Alejo at Fr. Flaviano Villanueva at 

binawi na

ang

mga warrant

laban

sa

kanila.

Kasama sa reklamo si Peter Joemel Advincula, alyas "Bikoy," na bumaliktad at tumestigo laban kina Trillanes.

Kahapon nang maghain ng P10,000 piyansa si Advincula sa Quezon City Metropolitan Trial Court Branch 138 para sa kanyang pansamantalang kalayaan. — may mga ulat mula sa News5

Abangan ang mga karagdagang detalye sa balitang ito.

Show comments