^

Bansa

Malakas na pagsabog pinangangambahan

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Malakas na pagsabog pinangangambahan
Habang pabalik ng Maynila mula Davao City sakay ng eroplano kamakalawa, nagsagawa ng aerial inspection sina Pangulong Rodrigo Roa Duterte at Senator Bong Go upang malaman kung gaano kalaki ang epekto ng pagsabog ng Bulkang Taal. Pinaikutan ng eroplano ang lugar ng Metro Manila at Southern Luzon.

Mga bitak sa lupa nakita

MANILA, Philippines – Nakitaan ng mga ba­gong bitak ang ilang kalsada sa Batangas sa gitna ng posibleng mapanganib na pagsabog ng bulkang Taal.

Ito ang nabatid kaha­pon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na nagsabing ang mga bitak o hiwa na umabot ng halos 3 kilometro ang haba ay nakita sa Barangay Sinisian East, Mahabang Dahilig, Dayapan, Palanas, Sangalang, at Poblacion sa bayan ng Lemery; Barangay Pansipit sa Agoncillo; Poblacion 1, Poblacion 2, Poblacion 3, at Poblacion 5 sa Talisay; at Poblacion sa San Nicolas.

Nagsanga-sanga pa ang bitak at tumagos sa maraming bahay. Uma­bot sa 20 bahay ang nawasak dahil sa mga bitak.

May bitak din sa kalsadang nagdudugtong sa Agoncillo hanggang Laurel, Batangas.

Ang malalaking bitak ay nangangahulugang may aktibidad pa ring nangyayari sa ilalim ng bulkang Taal, tulad ng unti-unting pag-angat ng magma mula sa ilalim ng lupa, ayon kay Ma. Antonia Bornas, chief ng volcano monitoring division ng Phivolcs.

Sinabi ni Bornas, ang mga fissure na nakita sa bulkang Taal ay katulad noong 1911 na nagresulta sa ‘explosive eruption’.

“Ito pong fissures na ito or fractures, ito po ay nangyari din nung 1911 na pagputok ng bulkan bago po nagprogress sa climactic o explosive eruption,” saad ni Bornas sa press conference kahapon.

“Ito pong mga na-observe natin na tuloy-tuloy na paglindol na malalaki, kasama ng fissuring o mga panibagong fissures, naghuhudyat po na meron talagang magma na umaakyat pa sa Taal,” aniya pa.

Kahapon ay bahagyang humina ang aktibidad o pagbuga ng abo at lava fountain ng Taal pero hindi pa rin daw dapat maging kampante ang publiko.

Umaabot na sa 335 ang kabuuang bilang ng lindol sa Taal Volcano mula noong Linggo ng hapon, ayon pa kay Bornas.

PAGSABOG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with