^

Bansa

Ombudsman kinalampag sa kaso ng Laguna mayor

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hinamon ng mga taxpayer ng Lungsod ng Sta. Rosa, Laguna ang Office of the Ombudsman na desisyunan na ang mga kaso ni City Mayor Arlene B. Arcillas na matagal nang ‘natutulog’ sa naturang tanggapan.

Sinabi ni Bb. Antonia Vallejo, opisyal ng Kamao ng Sta. Rosa, isang anti-corruption group sa lungsod na ‘hinog’ na ang panahon para desis­yunan na ang lahat ng kaso ng alkalde at para makamit ang hustisya ng mamamayan at mapanagot si Arcillas.

Ayon kay Vallejo, si Arcillas kasama ang mga opisyal ng Lungsod ng Sta. Rosa sa sari-saring kaso ng graft and corruption ay idinemanda nina Dorotea Rustique noong Dis­yembre 1, 2015 (SALN at Unexplained Wealth); Renato Alinsod noong Hunyo 17, 2016 (P568-M Sports Complex Scam); Onofre Sumapid noong Hunyo 5, 2018 (Perjury), at Pablito Encina noong Nobyembre 2018 (P92.6-M liquidated damages anomalies).

“Matibay ang mga ebidensya laban kay Arcillas at nakapagtataka kung bakit ang mga kasong iyan ay ina­agnas na sa kahihintay ng desisyon at ngayon ay parang multo na rin na nakalutang sa isipan ng mga apektadong mamamayan,” ayon kay Vallejo.

Dahil dito kaya ha­mon ng mga taga-Santa Rosa si Ombudsman Martires na maging mabuting opisyal ng gobyerno na tumutupad sa kanyang sinumpaang trabaho sa pamamagitan ng paggawad ng tamang desisyon sa mga nabanggit na mga kaso laban sa mga akusado, ayon pa kay Vallejo.

Sinabi pa ni Vallejo na isang matinding ‘injustice’ sa mga taga-Santa Rosa ang sob­rang pag­kabalam ng pagdesisyon sa mga kaso laban sa kanilang alkalde.

 

LAGUNA MAYOR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with