Tax increase sa QC, sinuspinde

MANILA, Philippines — Sinuspinde muna ng Quezon City government ang implementasyon ng tax increase sa kanilang lungsod upang mabig­yan ng pagkakataon ang bagong administrasyon na mapag-aralan itong muli kaugnay ng tax rates at real property valuation base sa 2016 approved schedule ng “fair market value”.

Layunin ng QC Govern­­ment na huwag munang ipatupad ang increase upang hindi ma­ging dagdag na pasakit sa mga residente dahil na rin sa pagtaas ng iba’t-ibang pangunahing bilihin sa bansa.

Bagamat maaaring magtaas ang bagong Fair Market Value (FMV), ang mga property owners ay kinakailangan lamang magbayad ng mula 39 hanggang 85 percent dahil ibinaba ng lungsod ang tax assessment levels ng mula 18% ay ginawang 5% para sa residential at mula 25% ay ginawang 14% para sa commercial.

Nagbigay pa ng sample computation ang lokal na pamahalaan ng Quezon City na, “1996 SFMV: 100 sqm x 1,500= 150,000 x18%= 27,000 x 2.5%= Php 675 annual tax” habang sa “2016 approved SFMV: 100 sqm x 8,000= 800,000 x 5%= 40,000x 2.4%= Php 1,000” o diperensiya na P325.00.

Ang FMV ay aprubadong schedule ng ‘unit base market values’ para sa iba’t ibang uri ng real property, maliban ang mga makinarya bilang basehan sa pag-kompyut ng Real Property tax (RPT) gamit ang Philippines Valuation Standard at Mass Appraisal Guidebook na inisyu ng Department of Finance (DOF) na maaaring ipatupad ng mga lalawigan at lungsod sa ilalim ng Local Government Code.

Show comments