MANILA, Philippines — Bagamat umalis na sa ating bansa ang bagyong si Karding ay patuloy na makakaranas ng mga pag-uulan ang mga lugar sa Luzon partikular sa Northern Luzon, Central Luzon at western section ng Southern Luzon dulot ng habagat.
Patuloy ring makakaranas ng pag-ulan sa buong Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Zambales, Bataan, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Cavite, Laguna, Batangas at Rizal.
Bunga nito, pinapayuhan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration ang mga residente sa naturang mga lugar na mag-ingat at ugaliing mapagmasid sa paligid dahil sa banta ng pagbaha at pagguho ng lupa lalo yaong mga nakatira sa may bulubunduking lugar at baybaying dagat gayundin sa mga tabing ilog.