^

Bansa

Specialized care sa mga pasyenteng nasa bingit na ng kamatayan isinulong

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nais ni Senator Teofisto “TG” Guingona III na magkaroon ng batas na titiyak na maalagaan nang husto ang mga pasyenteng nanganganib na ang buhay.

Sa kanyang Senate Bill 3008 o Palliative and Hospice Care Act, nais ni Guingona na magkaroon ng isang “multidisciplinary care” na magpapabuti sa buhay ng mga pasyente na nahaharap sa ‘life-threatening illness’.

Ang panukala ay bilang tugon na rin sa panawagan ng World Health Assembly na kilalanin ang “palliative care” bilang isang bahagi ng integra­ted, people-centered health services sa halip na isang optional service.

Ang palliative at hospice care ay isasama sa istruktura at financing ng Philippine Health Care system sa pamamagitan ng pagpapalakas at pagpapalawak ng human resources kabilang na ang training ng mga kasalukuyang health professionals.

Sinabi ni Guingona na dapat bigyan ang mga may sakit at elderly ng pagkakataon hindi masyadong masaktan sa kanilang karamdaman.

“Let us give our sick or elderly loved ones the chance to ease into the end of life comfortably and painlessly, as much as possible. Toward the end of their journey, let us make them feel that we have done the most that we can for them,” ani Guingona.

 

ACIRC

ANG

CARE

GUINGONA

HEALTH

PALLIATIVE AND HOSPICE CARE ACT

PHILIPPINE HEALTH CARE

SENATE BILL

SENATOR TEOFISTO

SINABI

WORLD HEALTH ASSEMBLY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with