Mar-Leni di reklamador!

MANILA, Philippines - Hindi reklamador ang Mar-Leni tandem, ayon sa tagapagsalita ng Team Daang Matuwid na si Akbayan Rep. Barry Gutierrez.

“Mar and Leni have received more than their fair share of unfair attacks in these past few weeks,” sabi ni Gutierrez.

Ibinigay niyang halimbawa ang litrato ng pekeng tarpaulin na may malaking mukha ni Mar Roxas at Leni Robredo na umikot sa social media para palabasing “epal” ang dalawang kandidato, pati na rin ang pagfa-file ng certificate of candidacy para tumakbong pangulo ang isang nagngangalang Manny “Mar” Roxas upang malito ang mga botante.

“Mar and Leni haven’t whined, complained, or screamed ‘black propaganda’ at the top of their lungs,” tuloy ni Gutierrez.

Tila pinariringgan ni Gutierrez ang ibang kandidatong puro reklamo at iyak tuwing may isyu laban sa kanila. 

Ilang beses ng nagreklamo ang kampo nina Sens. Grace Poe at Chiz Escudero sa mga tanong tungkol sa pagtalikod ni Poe sa kanyang Filipino citizenship para maging American citizen. Sa katunayan ay may tatlo ng kaso na isinampa laban kay Poe na kumukuwestiyon sa kwalipikasyon niyang tumakbo para maging pangulo.?“It is being transparent and honest about your personal and professional life,” sabi ni Gutierrez. Eto ang ginagawa ni Roxas at Robredo tuwing sila ang nahaharap sa mga isyu: “They have quietly, calmly, patiently answered every question, issued the necessary qualifications and taken the appropriate steps to address each issue,” pagtatapos niya.

Show comments