MANILA, Philippines – Matapos madakip sa Thailand, nakatakdang i-deport sina dating Palawan Gov. Joel Reyes at kapatid niyang si dating Coron, Palawan Mayor Mario Reyes, na kapwa suspek sa pagpatay sa mamamahayag na si Gerry Ortega.
Sinabi ni Justice Secretary Leila De Lima na ipinapa-expedite na nila ang deportation sa mga Reyes matapos masakote ng mga awtoridad ng Thailand sa Phuket nitong kamakalawa.
Susunduin ng mga tauhan ng Philippine National Police at International Criminal Police Organization ang magkapatid sa Thailand.
BASAHIN: Reyes brothers sa Gerry Ortega slay case tiklo sa Thailand
Pansamantalang ikukulong sa National Bureau of Investigation Detention Facility sina Reyes habang hinihintay pa ang “commitment order” mula sa Puerto Princesa City Regional Trial Court, na naglabas ng arrest warrant laban sa mga suspek.
Nasakote ang magkapatid dahil overstaying sa Thailand.
Sina Reyes ang itinuturong masterming sa pagpaslang sa environmentalist at broadcaster Gerry Ortega noong Enero 24, 2011.
Kabilang ang dalawa sa "Big Five Fugitives" ng bansa na may tig-P2 milyong pabuya.