MANILA, Philippines – Tatanggalan ng mga security escorts ang 87 mga opisyal ng gobyerno at mga VIPs na nasa listahan ng Police Security and Protection Group (PSPG) kaugnay ng posibilidad na kumandidato ang mga ito sa May 2016 national elections.
“We are closely monitoring them, if they are going to file their candidacy when it comes to election period, definitely right after the filing of their candidacy, the protective security personnel of the PSPG will definitely be pulled out,” pahayag ni PSPG Spokesman Supt. Rogelio Simon.
Sa kabila nito, nilinaw naman ni Simon na maaari pa ring humingi ng security escorts ang mga kakandidato pero panibagong proseso na ito at kailangang may clearance o aprubado ng Comelec.
Sa ruling ng Comelec, kailangang i-recall o tanggalin muna ang mga security ng mga kinauukulan sa sandaling maghain na ang mga ito ng kanilang COC sa Comelec sa Oktubre.
Sa kaso ni Vice President Jejomar Binay na hayagan ang kagustuhang maging Pangulo, sinabi ng opisyal na bahala na ang Comelec na magbaba ng kautusan kung babawian din ito ng security escorts dahil sa pormal nitong pagkandidato.
Sa patakaran ng Comelec, tulad ng Presidente, Senate President, House Speaker at Chief Justice ay awtorisado rin ang Bise Presidente sa security escorts kahit na hindi pa ang mga ito humiling ay awtomatikong binibigyan.