^

Bansa

Asistio, Malapitan pinakakasuhan sa Ombudsman

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nanawagan ang Kilusan Kontra Kabulukan at Katiwalian (4K) sa Office of the Ombudsman na sampahan ng kasong graft at malversation ang iba pang dating mambabatas ng Caloocan City  na nakipagsabwatan sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Kalookan Assistance Council, Inc. (KACI) sa maling paggamit ng kanilang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel.

Ayon kay 4K secretary general Rodel Pineda, nakapagtatakang nakalista rin sina dating Caloocan Reps. Luis Asistio at Oscar Malapitan sa mga hinihinalang sumablay sa paggamit ng kanilang PDAF pero tanging si dating Rep. Mary Mitzi Cajayon ang kinasuhan sa paggamit ng pork barrel na nagkakahalaga lamang ng P10 milyon.

Bukod kay Cajayon, kinasuhan din ng PACPO si dating DSWD Secretary Esperanza Cabral, Undersecretary Mateo Montaño, Assistant Secretary Vilma Cabrera, at Director III Pacita Sarino, Caloocan Chief Accountant Leonila Hayahay, at KACI president Cenon Mayor.

“Marami nang nakakulong sa mga mambabatas na mali ang paggamit sa PDAF pero bakit nakalulusot sina Asistio at Malapitan na alkalde na ngayon gayong tig-P25 milyon ang halaga na kanilang inilaan sa KACI na isang pekeng NGO?” tanong ni Pineda. “Maraming nakalistang benipisyaryo ng PDAF ang tumangging nagbigyan ng tulong kaya malinaw na naibulsa nila ang pondong inilaan sa KACI.”

Nabatid na sa Special Audits Report No. 2012-03 Annex C ng Commission on Audit, pinabulaanan ng 457 barangay chairmen sa Caloocan na mayroong proyekto sa kanila ang KACI, 179 nakalistang beneficiaries ang nagsabi na wala silang natanggap na anumang biyaya, at 279 benepisyaryo na nakalistang tumanggap ng P1.159 milyon ang hindi makita sa kanilang inilistang address.

Sa nasabi ring ulat, 2,045 lamang sa 7,231 benepisyaryo ang rehistradong botante sa dalawang distrito ng Caloocan kaya malinaw na pineke ng KACI ang ibang nakalistang beneficiaries ng PDAF.

Sa kaso ni Cajayon, natuklasan na ang pinag­laanan ng proyekto na KACI ay walang akreditasyon bilang people’s organization at karamihan sa mga ginamit nitong supplier ay walang business permits sa Caloocan at ganito rin ang ginawa nina Asistio at Malapitan.

ANNEX C

ASISTIO

ASSISTANT SECRETARY VILMA CABRERA

CAJAYON

CALOOCAN

CALOOCAN CHIEF ACCOUNTANT LEONILA HAYAHAY

CALOOCAN CITY

CALOOCAN REPS

CENON MAYOR

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with