BBL suspendido

MANILA, Philippines – Inanunsiyo na kahapon ni House Ad Hoc Committee on the Bangsamoro Chairman Rufus Rodriguez na suspendido na ang deliberasyon sa panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL). Kahapon, dakong alas-5:00 ng hapon nang suspendihin indefinetly ang deliberasyon ng BBL matapos magsumite ng incident report ang Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines, Autonomous Region for Muslim Mindanao Governor Mujiv Hataman at OPAPP. Subalit ang nasabing mga incident reports ay confidential kaya hindi umano maaaring ihayag ng kongresista at mga nabanggit na ahensiya ng gobyerno. Ang hakbang ay ginawa ng komite upang mabigyan ng sapat na pagkakataon ang mga miyembro ng Ad Hoc Panel na mabusisi ang resulta ng mga pagsisiyasat sa malagim na engkwento noong nakaraang buwan na ikinamatay ng 44 SAF commandos.

Show comments