MANILA, Philippines — Bahagi ng pagbisita ng mga head of state ang paglagda sa guest book ng Malacañang at ngayong Biyernes ay nagsulat si Pope Francis.
Nag-courtesy call ang Santo Papa kay Pangulong Benigno Aquino III kaninang umaga sa Palasyo at bago pumasok sa Rizal Hall ay lumagda siya sa guest book.
Nakasaad sa kanyang mensahe ang dasal para buong bansa upang makamtam ang “wisdom, discernment, prosperity and peace.”
"On the the President and people of His beloved land the Philippines, I ask Almighty God's abundant blessings of wisdom, discernment, prosperity and peace," nakasaad sa guest book.
Nagbigay ng kanyang unang pahayag si Pope Francis sa mga Pilipino, kabilang ang pagpapaalala sa mga politiko na maging tapat sa publiko at iwasan ang korapsyon.