Pinoy sa Libya pinugutan

MANILA, Philippines — Dahil sa umano'y hindi pagiging Muslim, dinakip ng armadong kalalakihan ang isang Pilipinong manggagawa sa Libya bago pinugutan ng ulo, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) ngayong Lunes.

Sinabi ni DFA Spokesman Charles Jose na pinatay ang manggagawang Pinoy nitong Hulyo 15 sa Benghazi matapos hindi makapagbigay ng randsom money.

"The vehicle that he was riding in was stopped at a checkpoint," wika ni Jose.

"There were three of them - a Libyan, a Pakistani and a Filipino. He was allegedly singled out because he was a non-Muslim," dagdag niya.

Sinabi pa ni Jose na tinangkang makipag-kasundo ng employer ng biktima ngunit napag-alamanan nilang naaagnas na ang katawan niya sa isang ospital.

Hiniling ng pamilya ng biktima na huwag isapubliko ang pangalan ng manggagawang Pinoy, dagdag ng tagapagsalita.

Itinaas ng DFA ang Alert Level 4 (mandatory evacuation) sa Libya kasunod nang kaguluhan doon.

Show comments