Hold departure order vs Bong Revilla

MANILA, Philippines - Pinagbawalan na rin ng Sandiganbayan si Senador Ramon "Bong" Revilla Jr. na makalabas ng bansa dahil sa kinakaharap na kasong plunder at graft.

Inilabas ni First Division chairperson Efren dela Cruz ang hold departure order (HDO) ngayong Martes.

Sakop din ng kautusan ang tauhan ng senador na si Richard Cambe at sina Mario Relampagos ng Department of Budget and Management, Rosario Nunez, Lalaine Paule, Dennis Cunanan ng Technology Resource Center, Maria Rosalinda Lacsamana, Marivic Jover.

Kaugnay na balita: Sandiganbayan: Jinggoy bawal nang lumabas ng bansa

Kahapon ay naglabas naman si Associate Justice Roland Jurado ng Fifth Division ng HDO laban kay Senador Jinggoy Estrada.

Nahaharap sa kasong plunder at graft sina Revilla at Estrada kasama pa si Senador Juan Ponce Enrile dahil sa paglalagak ng kanilang Priority Develoment Assistance Fund sa mga pekeng non government organization ni Janet Lim-Napoles.

Inaasahang anumang araw mula ngayon ay maglalabas na ng arresst warrant ang anti-graft court.

Show comments